Tuesday, May 08, 2007

Okay. So I've watched spiderman last sunday. Looking at the poster, I have a different expectation compared to the actual movie. But it's okay. Great cinematography and effects... talagang super ameyzing... wala akong masasabi sa mga epek epek na ginawa nila.

Pansin ko lang. (Ewan ko kung napansin niyo rin) Parang ang haba ng storyline sa first half ng movie. Tapos parang biglang siniksik lahat sa last half. Tapos parang bitin na ewan yung ending. Tapos meron pa, hindi sinabi yung mga pangalan ng villains sa movie mismo. Sa credits nalang sila pinakilala. Kung hindi pa nagbasa ng preview ang isa naming kasama na nanood ng movie, di ko pa malalaman ang mga pangalan nila. Specifically Venom and Sandman (a.k.a. Nardong Putik pag nababasa. hahaha!!!) Oops... am I writing a spoiler here? Sorry sa mga hindi pa nakakapanood! ;p I'm sure naman na karamihan sa inyo napanood na eh.

Hyun lang. Maganda naman yung lesson in the end in fairness. "Everyone has a choice..." That is so true. There's no such thing as "I have no choice." We always have a choice. Minsan nga lang, nagigipit tayo kapag nag-iisa lang ang "better" choice. Alam kong alam niyo na yun. ;p

All in all, it was... a good film. Pero gusto ko mabasa/marinig ang masasabi ng mga good critics natin jan. :D (Mykel, I'm specifically talking to you! ;p) Mas magaling kasi sila mag-explain ng mga kuro-kuro nila eh. Can't wait to read your posts. :D

... and can't wait for Shrek 3!!!

Pirates... oh well... pagnagkaroon ng chance na mapanood cge lang. Hindi ko na kasi nasimulan eh.

O yan. Maikli lang post ko ha. Ewan ko nalang kung hindi kayo nakaabot dito... babye!!! :D

10:00 PM
Scribbler

Saturday, May 05, 2007

IT'S ALL WORTH IT...

Last friday was so hectic... "toxic" as they say.

Six (6) staffs kami sa training. Our manager attended an external training in UP, while our officer was on leave. So 4 lang kami nung friday. Usually, ok lang naman kasi dati nga apat lang kami talaga. Pero..iba pa rin kapag ang wala ay ang mga superiors. Parang minsan nangangapa ka..may mga tanong na hindi mo masagot. May mga decisions na medyo mahirap gawin.. at may mga nakakabiglang deadlines na bigla bigla nalang sumusulpot out of nowhere, slamming right on us. Wala man lang kaming buffer ng aming mga superiors. Usually, sila kasi ang unang nakakaalam then they will cascade it to us. Or minsan, samin sinasabi tapos ipapaalam namin sa kanila and then they will take it from there. Wait nalang kami ng directives nila.

Nung friday, kaming 4 staffs na nga lang ang naiwan. Sakin inendorse ng officer namin ang mga pending tasks niya na may deadlines. My other 2 co-training staffs ay magcoconduct ng training. Yung isa naman, gumagawa siya ng training plan for the new upcoming training for the special diagnostic staffs ng TMC. Anyways... Ilan sa mga tasks ko ay:

-kumuha ng Cash Advance para sa isa sa mga trainings namin,
-coordinate the meal for the ENG101 participants,
-prepare and give letter of request to our dietary dept para sa meal ng mga participants
-buy the PM snack and dinner for the ENG101 facilitator
-confirm proposed schedule of Ateneo Medical Students' 3-day exposure on different departments of TMC
-prepare IDs for OJTs and Nurse Trainees
-encode/compute/finalize/print the grades of the recently graduated Nurse Trainees
-update OJT masterlist
-conduct recap activity for the current Nurse Trainees
-administer exam for the current Nurse Trainees

All of these I have to finish that Friday.

Yan. Wala pa jan yung pinaka-task ko talaga. As in yung dapat kong ginagawa talaga, which is yung computer-based training at competency. Since malayo pa deadline ng mga 'to, ipinagpaliban ko muna dahil may mga mas urgent at asap na mga bagay.

But to top it all, I had to conduct a special corporate orientation to 12 applicants (ward clerks, nursing attendants, and midwives) who will be hired on the 16th of May. Super special 'to dahil wala ito sa sched ko. Sobrang pinilit na isingit lang talaga dahil kailangang kailangan daw... Nakasched 'to ng 10am hanggang 12nn. Pero 10:30 nako nakapagset up dahil kinailangan ko pang iset up ang computer sa training ng mga nurses namin. 10:00 nako natapos eh magsesetup pako ng training ko naman. I had to pull out my cpu dahil isa lang ang laptop namin at ginagamit na 'yun sa isa sa mga trainings namin. Pinull out na rin ang isa pang cpu namin para naman dun sa training ng mga nurses. So ako, pull out ko rin ang aking cpu para sa corporate orientation naman. Nanghiram pako ng LCD from other department dahil ginagamit na rin ang 2 naming lcds. Ang venue ng aking training ay nasa 4th floor. So with the CPU, speakers, keyboard, mouse, avr, and the LCD, dinala ko lahat yun sa 4th floor. (buti nalang may gulong ang cpu ko... kung hindi baka ako na ang gumulong sa dami ng bitbit ko). Inasistihan naman ako ng isa pa naming staff sa training. So carry pa naman.

Thank God nakapagset up ako ng maayos at nasimulan ko ang training ng 10:30. 12:30nn nako natapos so nung tumawag ako for assistance sana ulet sa pagbaba ng mga gamit, wala ng tao samin dahil naglunch na sila. Kaya, ako nalang mag-isa ang nagbaba. (imaginine nyo nalang kung paano ko nababa ang mga gamit...:D) Dito sa TMC, kapag part ka ng training department, hindi ka lang dapat beauty and brains, dapat you have muscles din. Kasi, training mo, set up mo. Pasalamat ka kung may available na magaasisst sayo. Pwede namang magrequest ng housekeeper na pwedeng magassist. But it will take years bago sila sumulpot sa HR. Kami nalang para mabilis. Pati silya binubuhat namin (using trolleys) kung sa ibang lugar ang aming venue at maraming participants ang expected.

Hayun... sa hapon, ngarag ngarag na kami. Tapos biglang nabalitaan namin na kailangang tawagan ang last 2 batches na nakatapos ng aming nursing training (Nursing Training Adaptive Program or NTAP). That would be Batch 3 and Batch 4. Kasi kailangan silang itrain for special areas bago sila ma-hire (special areas are: ICU, OR, and ER) Ang problema, ang grades ng Batch 4 ay hindi pa tapos dahil may mga hinihintay pa kaming papers galing sa kanilang mga headnurses na nagmentor sa kanila during the course of their exposure in the nursing units. So ang Batch 3 lang ang natawagan ng maaga. Buti nalang pala, currently, may IV Therapy ang mga Batch 4. So nung friday, nandun din pala sila halos lahat sa TMC. So hindi nalang namin sila pinauwi. Pinahintay namin sa kanila ang aming manager na mag-iinterview sa kanila bago sila mailagay sa training ng special areas (kailangang salain kasi ng mabuti). Ang manager namin ay manggagaling pa sa UP dahil nga may external training sha doon.

Bandang hapon habang kami ay nangangarag at ako'y nagmumulti tasking na to the max, (dahil magsastart na ang ENG 101 na pinaghahandaan ko rin at ineencode ko rin ang mga grades ng Batch 4 para malaman ang top 25 na puwedeng pumasok sa special training) biglang dumating ang aming officer! Niyakap ko talaga sha dahil sobrang... WAAAAGGGHHH!!! na talaga... Kahit naka-leave sha pumasok pa rin sha (participant kasi sha ng ENG101. kelangan nilang umattend dun eh). Anyways, ayun so na-lift na sakin ang mga tasks na inendorse niya sakin na hindi ko pa naaaccomplish. Thank God...

Pagsapit ng 5pm dumatin na rin ang aming manager. Katulong ang isa sa mga clinical instructor (CI) ng nursing services office, nagstart na silang mag-interview ng Batch 3 and 4 ng mga trainees. Natapos ko na rin computin ang mga grades ng Batch 4. Pero may ilan sa kanila na incomplete pa. So yung mga complete lang ang nakapasok sa top 25. Kayalang heto na po... nung nabigay ko na ang final grades nila sa aming manager at sa CI na katulong nya, dumadating ang mga pahabol na papers ng mga trainees na incomplete pa. So icocompute ulit yung grade nila, recompute the ranking then print ulit ng panibagong grades. Ang masaklap dito, since ang mga ibang incomplete ay tumaas na ang grade dahil completo na sila, may ilang nalalaglag sa original top 25. Eh nandun na sila, so hindi namin ngayon malaman kung paano namin sasabihin dahil nainform na nga namin sila na kasama sila sa top 25. Hindi ko na nasundan kung paano nila naayos yun. Basta ako, naka limang print pa ulit ako ng hindi na natapos-tapos na final grades ng Batch 4 nurse trainees dahil panay ang pahabol ng mga incomplete papers... hindi naman kasalanan ng mga trainees. Kasi hindi sa kanila manggagaling ang evalutations and all... sa headnurse nila manggagaling. Kaya naku! Na-stretch talaga ang patience ko sa mga headnurses ilang mga units... Thank God for stretching my patience...

Pagsapit ng gabi, printing of contracts na para sa mga nakapasa ng interview. Di naglaon, kami nalang dalawa ng manager ko ang naiwan. Natapos na ang training ng ENG 101. Buti nalang at may nag-assist na rin sakin na asikasuhin ang snack and dinner ng facilitator dahil hindi talaga ako makaalis sa upuan ko. Baka kasi may hingin na paper ang manager namin. Kaya stay put lang ako. Tapos nagpiprint pa nga ng mga contracts...

Passed 8:30... natapos rin ang huling interview. Sobrang pagod na pagod na ang manager ko dahil nanggaling pa siya sa training sa UP. Tapos mga 40 na nurse trainees ang kanilang ininterview sa loob ng 3.5 hours. Then kinabukasan uuwi pa siya ng probinsya at kailangan niyang umalis ng bahay ng 4:00 ng madaling araw. Kamusta naman...

Sa sobrang pagod niya biglang nalang siyang nagdrama sakin. She hugged me and thanked me for always staying with her daw. Hindi ko ineexpect yun, although kilala ko naman ang boss ko as being expressive with her thoughts and emotions. Pero that moment, parang na-wash out lahat ng pagod ko... It's really nice to know na naaapreciate ng superior mo yung efforts mo. And it's another thing if she really shows it to you. Praise God talaga for the strength and patience na binigay niya sakin nung Friday night na yun... Kahit nung kasagsagan ng katoxican, I could really feel the unexplicable strange strength, calmness, and patience that comes from the Lord.

At sa aking pag-uwi, lahat ng tasks na nakasulat sa aking post-it ay nakacross out na. Glory to God!!! I could not do it without Him... Tapos may bonus pa ngang appreciation from my boss. So talagang, kahit physically pagod nako, masaya pa rin ako. It's all worth it...

Heto pa... pinayagan na ako ng boss ko na magleave on May 23-25! Mission trip kasi namin yun. Matagal ko na siyang inuungutan na magli-leave ako ng mga araw na'yun. Ayaw pa niya ako fully irelease. Sa tuwing bini-bring up ko yung topic na yun, tinatawanan niya lang ako. Para bang, "Asa ka pa... dami nating ginagawa..." But thank God at pinayagan na niya ako. :D Yehey!!! Ifa-file ko na yun sa monday bago pa magbago ang isip niya. haha!

Yun lang. O, baka may magreklamo na naman na ang haba ng post ko... ganun talaga pag may ikukwento ka. Pero salamat na rin sa mga nagtsagang bumasa. Thanks for always being ready to read my all-in-a-days-work stories...

God bless you guys! May God's strength, patience, and wisdom be upon you as well--may it be in work or in med studies. Miss yah!

10:52 PM
Scribbler

Profile

Name: Arianne
Age: 20
Birthday: June 16, 1986

>>>>>>>>>>0<<<<<<<<<

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My Playlist

Daily Nuggets

Verse Of The Day

Provided by Christ Notes Bible Search

Weekly Wisdom

Provided by Christ Notes Bible Search

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
February 2009
March 2009

Thoughts


As you sail through the darkest sea
And the mist creeps 'till you cannot see
Do not be afraid, for I'm with thee
Forever, you'll be sailing with me.

-0*arianne*0-

Cast your cares on the Lord And He will sustain you He will never let the righteous fall

-0*Psalms 55:22*0-

~~~

When I am afraid I will trust in the Lord In God, whose word I praise In God I trust I will not be afraid

-0*Psalms 56:3*0-

Links

orange
ghala
carla
lynard
gay
adriel
nutcase
pai
caesar
ness
rhezi
leah
loulala
jaycee
jelo
she
lele
kyang
nina
joel
gjeff
sd
veron
ate dianne
joshua
diane
Anime Skies

@^-^@

Tagboard

Layout by Yiling
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com