Tuesday, October 18, 2005
hay... ano ba ang magagawa ko kung hindi maglabas ng isasng napakahabang SSSIIIIIGGGHHH...
ma'am joy naman eh... bakit naman kasi bukas pa niya ibibigay yung thesis? dapat nga last week pa yun... nasira na lahat ng plano namin... hay naku. magpapracticum nalang kami...
andito kami nina ghala at ni orange sa school. naghihintay kay ma'am joy. tapos bigla hindi na pala siya makakarating... *sigh* ayoko magka-wrinkles kaya sigh nalang ako. ^_^
o siya, hayun lang. gusto ko lang huminga. sige. bukas nalang natin kunin ang ating thesis. ano pa nga ba magagawa natin? patience is a virtue... must always remember that especially when you're in world filled with VIPs... gr.
hanggang sa muli.
2:27 PM
Scribbler
Wednesday, October 12, 2005
ATTENTION: ALL 4C PSY
ay naku, sa kalagitnaan ng mga pressures sa thesis at sa practicum... heto, ang mga kaklase ko, nagpapastress pa sa iba't ibang mga circumstances na puwede namang maresolba kaagad para hindi na makihalo sa mga toxic ng mga bagay katulad nga ng thesis at practicum...
4c, gaya nga ng tinag ko kay carla, such people are the spice of life! sure, mejo napapadalas na ang mga instances na na-ooffend kayo. pero, afford pa ba nating ma-offend sa mga ganitong panahon? afford pa ba nating magdagdag ng stress sa kalagitnaan ng ating thesis at practicum and all? guys... afford pa ba nating magkagalit galit ngayon maghihiwa-hiwalay na tayo?
come to think of it... onting panahon na lang... for four years, we've been together, taking all our fragrances and stinks as human beings. hindi pa rin ba tayo makakatiis ng kahit LIMANG BUWAN?
siguro, mas makakabuti sa lahat, kung iintindihin nalang natin ang mga pangyayaring sadyang nagpapakulot ng ating noo at nagpapataas ng ating kilay. just one... deep... deep... deep breath... then release... you must understand. it's hard to change a person especially if that person is not willing to change. would it be possible kung imbis na yung person na yun ang ichange natin, yung sarili nalang natin? like, if you can't control the external forces, then go adjust the internal forces. to maintain balance. :-) so maybe, we can adjust our mind sets... alam ko, hindi madali. it's easier said than done. pero... anong mangyayari kung both sides parehong nagmamatigas? so, maybe one of the sides can let go at umintindi nalang... much better. at much much better kung both sides ang gagawa noon.
alam ko, some of you are already planning to talk with this person. maybe it would be better if all of you guys (affected most) would approach that person and talk with that person... in a very nice way. in a very very very nice and loving way. we don't want to change that person for the sake of our justice right? we also want to change that person for that person's sake as well. so let's talk with that person in a loving way. let me qoute this: "A gentle answer turns away rage, but a harsh word stirs up anger." (prov 15:1)
so... classmates, ano? settle na natin to ha? :) sana naman sa graduation, uuwi tayong luhaan... hindi dahil sa mga regrets, but dahil sa mga unforgettable sweet--at kahit ang mga bittersweet memories natin together as C. and forever, itetreasure natin yun.
please take this post as a friendly reminder from a very concerned classmate of yours. sana hindi niyo isipin na nakikialam ako. i hope, in my own simple way, ay makatulong ako. masarap ang feeling na walang ka-atraso. diba? luv ya classmates! Godbless you all. :)
8:41 PM
Scribbler
Wednesday, October 05, 2005
pansin ko lang... mas may gana akong gumawa ng thesis pag wala sa bahay... hm... kasi sa bahay ang daming distraction. tv, computer games, pagkain... e dito sa computer shop, mapipilitan ka talagang gumawa at bilisan ang paggawa dahil tumatakbo ang metro.
i just needed a nice sleep last night. nagbe-breakdown talaga ako pag feeling ko wala na akong pag-asa. kung anu-ano tuloy ang naisusulat ko.
hay. basta sana matapos na namin ang thesis. :) At sana, matapos niyo na rin ang sa inyo. :) What if kaya kung individual ang thesis...? Naku... buti nalang talaga by group tayo. Ewan ko lang sa iba. Baka may iba sa inyo na preferred and individual thesis. Nung high school ako ganun. Mas gusto ko individual. Dahil wala akong maasahan sa mga nagiging ka-grupo ko. Pero ngayon, i have plp. Kilala ko sila. Pag kailangang-kailangan, talagang maasahan. :) Pero minsan... umiiral talaga ang pagiging individualistic ko. Memories of high school stress and nightmares continue to haunt me...
hm... hindi naman na siguro mangyayari yun. iba ang college sa high school.
hay... sinu-sino kaya sa inyo ang nakakarelate sa akin?
Ayan, ganyan ang talagang arianne. :)
10:58 AM
Scribbler
Tuesday, October 04, 2005
Yoko na.
Napapagod na ako.
Kelan ba matatapos ang lahat ng to?
Minsan napapapikit nalang ako
At napapahinga
Yun lang naman ang magagawa ko
At saka manalingin...
Sadyang si Lord nalang ang nakakapagpatayo sakin
Kung hindi dahil sa Kanya
Siguro bigla nalang ako hihilata sa kalsada
Sa sobrang pagod...
Sa sobrang pagod...
Ayoko na...
Kelan ba matatapos to?
Sa mga taong nakakasama ko
May napapansin ba kayong kakaiba sa akin?
Kung meron man... wag niyo nalang pansinin
Kung minsan hindi ko kayo napapansin
O minsa ayoko ko kayo pansinin
Pagod lang ako...
Pagod lang ako...
Ayoko na kasi mag-isip
Ayoko na muna magsalita
Dahil napapagod na ako.
Pagod na pagod na ako...
7:51 PM
Scribbler