Wednesday, October 27, 2004

PROCTORING... hay kapagod...

share ko lang to saglit. dun sa pinroctoran namin, may isang examinee na nagaatempt mag-cheat. taga notre dame sha. actually ang dami nilang taga-notre dame kaya pagpasok namin nung partner ko dun sa room sobrang ingay. parang naisip ko tuloy... "Ganto ba kaingay yung class namin pag may pumapasok na prof? Nakakabastos nga..."

Since mabait naman kami pareho ng partner ko, hindi namin sila mashado sinaway. pero we kept on staring at them. kahit nung naka arrange na sila alphabetically, hala pa rin! kwentuhan to the max kahit nasa magkabilang dulo ng room. kawawa nga yung ibang examinees na walang kakilala eh... naiingayan rin sila. e feeling ko nagmumuni-muni sila dahil kabado sila. yung mga maiingay na examinees, feeling ko hindi sila mashado kabado.

tapos isa nga dun sa mga maiingay na yun, lalaki, medyo semi-kalbo sha. hindi sha mukhang fourth year actually. mukha talagang sanay sa kalokohan. nung naka-upo na sila, nakatabi niya yung isa niyang schoolmate niya na girl. yung girl, feeling ko matalino.

nung natapos na yung mental ability test, nakita daw nung partner ko na blanko yung last 2 columns nung lalaking yun. tapos nung nagtetest na ng english, kakita-kita niya, may sagot na daw yung upper portion ng dalawang column! at kapareho ng sagot nung girl na katabi niya (siyempre, makikita mo naman agad yun. sa pattern palang ng shades diba.) edi bantay sarado siya samin ngayon! maya't maya ang ikot namin sa room at lagi kaming dumadaan sa may tabi niya. sa tuwing dadaan kami, titingin siya samin.

tapos, nung math test na, hindi niya mashado nagamit yung scratch niya. tapos 10 minutes nalang ang remaining time, kalahati palang ang nasasagutan niya. medyo hindi na nga siya mapakali sa upuan niya. panay ang kamot sa ulo na walang buhok at panay iling at ngisi. tapos pag-mag-iisip siya, titingin siya sa ceiling... sa bintana... sa blackboard... sa floor... sa katabi niya... HOY! MIND YOUR OWN PAPER! gusto ko sanang sabihing ganun pero siyempre composed ako. so i just said, "Please mind your papers," while roaming my gaze around the room.

Pagdating ng science, tuluyan na yata siyang nagbreakdown. pagmagbabasa siya ng question, mababasa mo dun sa lips niya na sinasabi niyang, "Whatever!" tapos biglang kamot sa ulo, iling, ngisi, tingin sa blackboard (sa remaining time) tapos ngisi, tingin sa amin (malalaman niya na nakatingin kami sa kanya) tapos yuko nalang ulit sa malinis niyang answer sheet. hay... naawa nga ako sa kanya kasi parang hindi talaga siya handa, samantalang yung katabi niyang schoolmate niya, panay ang compute sa scratch paper at mabilis na nakakasagot. Nagkakaron pa siya ng extra time para ireview yung answers niya. feeling ko alam din ng girl na nag-aatempt na magcopy sa kanya yung katabi niya kaya sobra ang hawi ng long black hair niya sa side ng lalaki! natatawa nalang ako...

so yun... by the way, ang sarap ng pangalawang sandwich na binigay sa amin. chicken ba yun or tuna? feeling ko chicken. basta, masarap.

hindi ko alam kung makakapasa pa yung lalaking yun. pero alam ko marami pang ibang mas kakatuwang kwento yung ibang nagproctor jan. like yung kina orange, may nagsuka. yung kay gladys, may pumunta na examinee na nakasked pa ng pang november! and guess what, galing pa daw siya ng lucena. ask gladys nalang for the details. :)

sige po, 4 minutes nalang kami dito sa nitro. buh-bye!



9:01 AM
Scribbler

Friday, October 22, 2004

hmm... hay... thank you Lord...

Alam kong hindi lahat sa atin ay ganto ang expression right now. Hindi ko alam kung matutuwa ako or malulungkot dahil sa mga sinapit ng ating mga classmates. But for now, I'm just really thankful and will ever be so grateful to God. Ok lang yung tres. I deserve it. But I'll try my best na hindi na ulit ako kakaba-kaba next sem.

Pero nalulungkot rin ako para sa iba nating classmates. Kahit gasgas na gasgas na ito, sasabihin ko pa rin sa inyo dahil ito ay totoo: KAYA NIYO YAN. Hindi naman bibigyan ni Lord ng hindi natin makakaya. All we have to do is ask His help and guidance. Alam ko very common ng expression yan. Pero yan talaga ang totoo. May He grant you wisdom sa pagsche-schedule nyo ng work loads nyo...

Hay... sa ngayon, pro-problemahin ko muna kung ano isusuot ko for sunday...

You will always be in my prayers.

1:56 PM
Scribbler

Thursday, October 21, 2004

THE MESSAGES OF DREAMS

bukas na ang pinakhihintay ng lahat. I can't wait till tomorrow para magpost. My fingers are itching to strike the keyboard.

Hanggang ngayon thankful parin ako kay God dahil nga dun sa protection na ginawa niya. Dapat, nagpapasalamat tayo parati sa protection Niya dahil hindi natin alam kung ano ang mga ginawa ni Lord para makarating tayo ng matiwasay sa kinaroroonan natin ngayon.

Hindi ko lam kung matatakot kayo dito sa ikukwento ko, pero ako natuwa ako.

Kasi nga diba, balak na ngang bumili nina mama at papa ng sasakyan. So, yun, nasa process na ng pagpili kung ano. Hindi sa amin manggagaling ang money dahil honestly, hindi namin kaya ang sasakyan. Kung hindi nga ako under ng CAP scholarship (na ngayon ay nanganganib na...) baka wala ako sa UST ngayon. Grace lang talaga lahat ni Lord. Pati na rin itong pambili ng vehicle namin, which is Revo daw. Yung mayamang bestfriend ni mama sa US na galit sa pera ang nagpadala sa amin... at ang nakakaloka, ayaw niyang pabayaran! Well, ayaw naman pumayag nina mama so sabi nlang nung bestfriend niya, pay when able.

Hayun. So, siguro sa mga mid november meron na kami revo. yehey. :D Onti palang ang nakakaalam. Mostly yung mga ka-churchmates namin kasi nagpepray din sila for us. Pero most ng mga kamag-anak namin sa Bataan, hindi pa nila alam. Except for papa's two brothers and one sister. Excited nga rin sila for us.

Etong tita ko, yung sister ni papa, nanaginip daw siya two nights ago. Nilibing na daw namin yung lolo namin. (kasi nasa bahay pa yung urn niya. he passed away the february.) Tapos, ede umwi na raw kami dun sa bahay ng grandparents namin sa bataan. Then all of a sudden, umwi daw yung lolo ko! He was smiling daw. Pagpasok niya dun sa garahe, hinaplos niya daw yung jeep niya (owner type na jeep), tapos nakangiti daw talaga siya! Sabi ng tita ko, excited daw yung lolo ko about 'something'. Nung time na yun, hindi pa niya alam yung balak namin na bumili ng sasakyan, so inisip niya na baka gusto ng magpalibing ng lolo ko.

Nung kinuwento niya to sa parents ko, naisip nila... kung gusto nang magpalibing ng lolo ko, bakit siya umuwi!!?? at bakit hinaplos niya jeep, at bakit excited na excited siya? That was the time na sinabi na nila yung balak nila na bumili ng sasakyan. :D

Naalala ko tuloy nung bago ako magdebut... ayaw kasi sumama ng lola ko dito sa manila para umattend ng debut ko. Maiiyak lang daw siya kasi maaalala niya yung lolo ko, who was really eager to come home from the states para lang umattend ng debut ko. Sinabi ko kasi sa kanya na isasama ko siya sa 18 roses. Pero will pala ni Lord na umuwi na siya sa heaven... hindi na siya nakaattend ng debut ko. kaya sad yung lola ko. Ilang beses namin siya pinilit pero ayaw talaga. Tapos one week before the big night, i dreamt na nasa bahay daw kami ng grandparents ko sa bataan. My relatives were watching TV sa sala, tapos ako nandun ako sa kusina. di ko na maalala kung ano ginagawa ko sa kusina. Then all of a sudden, biglang may pumasok sa front door. Si lolo ko! Tapos tumatawa siya. ang ganda ganda ng ngiti. Imbis na matakot, sinalubong ko pa siya tapos inembrace ko pa. tapos tawa pa siya ng tawa. yung mga relatives ko nagtataka kung sino kinakausap ko. sabi ko si lolo, pero hindi naman nila siya nkikita. That was the end of my weird dream.

Kinabukasan, nagtext yung tita ko. Pumayag na daw yung lola ko na sumama sa debut! Then nagkwento din yung mama ko na napanaginipan niya rin lolo ko the same night. kinakausap naman daw niya yung lola ko, saying, "Tara na. Punta na tayo kay Arra."

Hay naku... miss ko na lolo ko. But i know he is in a much better place right now. I'm very very sure of that because before he died, he repented his sins and accepted Jesus in his heart. And when he died, we were sad alright, but there was an inexplicable peace in our hearts.

Hayun. Kaya ako, i believe na minsan may messages talaga ang dreams. Kaya, you better watch out. But of course, seek guidance and wisdom kapag inaalam natin yung ibig sabihin ng dreams. kasi pag namis-interpret natin, nyek. wla ng kwenta.

Sige, sana hindi kayo napagod sa pagbabasa. ginawa kong colorful yung paragraphs para naman mejo makulay. Lynard, sorry ha kung napahaba ulit. :D

10:36 AM
Scribbler

Sunday, October 17, 2004

Lulubog... lilitaw...

Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakapagpost. May problem kasi itong computer namin. Sobrang lala na ng sakit nito. Kusa siyang nagcoconnect dahil dun sa virus. Ewan ko ba... ayaw talagang ma-clean ng anti-virus namin 'tong computer namin. Kaya medyo binawas-bawasan ko muna pag-iinternet ko kasi nga baka lalo pang lumalala. May times din bigla nalang siyang magrereboot. Parang may sariling buhay 'tong computer namin. Nagiging monster na yata yung virus... hay naku.

Miss ko na magpost! Buti nalang medyo mabilis ang pagconnect. Di rin ako makasingit dito minsan kasi may mga ginagawa si mama na work dito sa bahay. Minsan si papa ko rin. Eh ngayon wala pa sila dito sa house, so I take the chance.

Ang bagal ng araw ngayon. Pero I like it this way. Ayokong mafeel na mabilis ang bakasyon kasi ayoko pang pumasok. Huling bakasyon na ito. Pero last week, may kakaibang nangyari dito sa amin...

Last week kasi, pumunta ng Taguig yung parents ko (Sunday yun). Meron kasi silang nili-lead na church dun, kaya for the mean time, dun muna sila umaattend ng church. Pero kami ng kapatid ko, dito kami umaattend sa talagang mother church namin. Wala naman po kaming four-wheel vehicle so naka-motor lang sila nung pumunta dun sa taguig. (lagi naman silang naka-motor pagpumupunta dun.) Tapos nung pauwi na sila, around 3pm, medyo traffic kasi ang daming libing. So sunud-sunod daw yung mga nagpuprusisyon ng mga dead people. (kasi sunday nga yun, a common day for burying a dead, diba?)

So yun. Nung nandito na sila sa may Mandaluyong, (hindi ko alam ang street eh. alam nyo naman ako, mahina pagdating sa geography...) tatawid sila ng intersection. Wala daw traffic light dun sa intersection na yun, so tanchahan lang ang pagtawid. Nung sa tingin nila eh, naka tyempo na sila, tumawid na sila ng intersection. Then all of a sudden may taxi na paparating sa right side nila. Medyo mabilis yung pagtakbo ng taxi. Nakita na sila ng taxi pero akala nung driver, malalagpasan nya sina papa at mama bago pa sila makatawid. Unfortunately, nahagip niya sila... Hindi naman daw tumilapon yung parents ko pero medyo bad yung pagkakabagsak nila sa ground.

Pero thank God, dahil hindi sila masyado nasaktan. Si papa ko may scratch na kaunti sa knee, pero si mama yung medyo nabugbog. Pag-uwi nila dito sa haus cry sha kasi akala nya hindi na daw niya kami makikita ng kapatid ko. (drama diba? pero natakot din ako. wala kasi kaming kaalam-alam) Humble naman yung driver. Inamin niya na siya yung may pagkakamali kasi medyo mabilis nga yung takbo nya tapos mali pa sya ng estimate. So siya na yung naghatid kina mama sa hospital for xray saka dito sa haus. Ayaw pa nga pabayaran ni Mama yung hospital fee kasi may health card naman siya. Kayalang hindi pala tinatanggap ng hospital yung card pag vehicular accident, not unless napatunayan na hindi yung patient ang may kasalanan. Kaya yung driver na rin ang nagbayad. Naawa nga si Mama dun sa driver kasi short pa siya ng P30, kaya yung P30 si papa nalang ang nagbayad. Tapos, hindi na rin sila nagsampa ng case kasi nga naawa sila dun sa driver. Police report nalang ang ginawa nila at umuwi na sila.

Hay naku... kaya yung mga nagdadrive dyan, ingat kayo palagi ha? Minsan nga, kahit nag-iingat kayo, may mga tao na hindi talaga nag-iingat, madadamay at madadamay kayo sa accidents. Wag naman po sana. I just thank God na ganun lang ang nangyari. Nagpe-pray nga kami for a vehicle para naman medyo mabawas-bawasan na yung risk namin sa road pag nakamotor lang. God already provided financially. Nakakatuwa nga at nakaka-amaze kasi ang daming people na ginagamit niya para magbless samin, not only financially but also in form of advice with regards to vehicle stuff... Hayun po.

Hay malapit na ang clearance day... sige po, magbabasa naman ako ng ibang posts nyo. Tagal kong hindi nakapagblog kaya siguro naman may mga naipost na kayo nitong week na ito.

See ya sa friday.



1:37 PM
Scribbler

Friday, October 08, 2004

i woke up this morning at around 9:15 am. And i feel a little... happy. It has been a long time since the last time i woke up without bothering thoughts of school stuffs in my head. but of course, i'm still scared with my grades, but i prayed last night to God to give me peace the rest of my sembreak. I guess, He just granted it. I really don't feel that much scared right now. I hope everyone of us would feel the same way, so we could enjoy this short vacation.

i have visited some blogsites and to my surprise, nobody has posted something new yet. (except for orange and glad and me.) i wonder why...?

hm... i'm alone here in our house. my sis went to school and my mom and dad is in the office. (wala kami katulong.) i'm watching Animax right now, Fancy Lala. but i have seen this episode so it's kinda boring already. but i don't bother. as long as i hear the tv i don't feel so alone already.

okay, that's it. i think i don't have much to say... i hope you guys would start posting...


10:38 AM
Scribbler

Thursday, October 07, 2004

Hay naku... oo nga... tapos na nga ang test. tapos na ang madudugong pagrereview at pagpupuyat. wala ng mga handouts, wala nang kailangang basahin, wala na kailangang memoryahin... all you have to do is take a deep breath, let it out loud, and fidget with your hands as you wait for October 22, 2004.

yikes.

so sa lahat ng mga taong nakakarelate sa akin... para sa inyo ito...


when paranoia strikes...

When everything's done
when everything has come to an end
you'll face another stage
where you will be locked up in a cage
all you have to do is wait
wait for the final verdict
a sure freedom out of hell
or deeper into the prison cell

yes, you're free to do anything
only with the rails around
you can play, eat and sleep
but with paranoia, you're bound
does it always have to be like this?

can't we spend our vacation with peace?
well, this is a part of the game
wait if you'll proceed or walk back with shame

dear God, if it's your will
(and may it be your will)
let me win this game
i don't want to walk back with shame
i know i'm not that faithful enough
to ask you this seems more than enough
but You're the only i can run to
anytime i can look up to You...

so i just put my trust in You
i have done all my best
in Your hands, i'll put the rest.

amen.

kita ktis sa october 22. ingat po sa mga pupunta sa laguna this monday. at sana mag-enjoy kayo kahit binabagabag kayo ng kaba...

God bless...




3:47 PM
Scribbler

Profile

Name: Arianne
Age: 20
Birthday: June 16, 1986

>>>>>>>>>>0<<<<<<<<<

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My Playlist

Daily Nuggets

Verse Of The Day

Provided by Christ Notes Bible Search

Weekly Wisdom

Provided by Christ Notes Bible Search

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
February 2009
March 2009

Thoughts


As you sail through the darkest sea
And the mist creeps 'till you cannot see
Do not be afraid, for I'm with thee
Forever, you'll be sailing with me.

-0*arianne*0-

Cast your cares on the Lord And He will sustain you He will never let the righteous fall

-0*Psalms 55:22*0-

~~~

When I am afraid I will trust in the Lord In God, whose word I praise In God I trust I will not be afraid

-0*Psalms 56:3*0-

Links

orange
ghala
carla
lynard
gay
adriel
nutcase
pai
caesar
ness
rhezi
leah
loulala
jaycee
jelo
she
lele
kyang
nina
joel
gjeff
sd
veron
ate dianne
joshua
diane
Anime Skies

@^-^@

Tagboard

Layout by Yiling
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com