Sunday, April 29, 2007

OUTING!

Woohoo!!! I feel like fresh from the oven!!! I'm toasted!! haha!!

Katatapos lang kahapon ng outing ng TMC sa Eagle Point Batanggas. Adventure ito...

* * *

The 6-hour trip to the edge of Batanggas...
We left TMC at around 4PM with 3 buses plus a coaster for the big bosses. The bus was really neat. Brand new, 2 months old, with 3 LCD screens, "sosy" look, neat dashboard, (with a screen, glowing buttons, radar, and all)... kayalang, hindi mapaandar ang TV dahil wala daw satellite. Puwede daw VCD lang. And dala ni manong driver na mga movies ay DVD. Nag-iisa lang ang VCD niya. Finding Nemo. Haha! Eh no choice, bugnot na bugnot na ang mga pasahero kaya yun na lang ang pinasalang. Since favorite ko, ok lang. Nagenjoy pa rin ako. :D

Ang tagal ng biyahe kasi medyo traffic. Tapos ang tatagal pa ng stop over namin. Lumipat pa ang mga pasahero mula sa coaster dahil naflatan sila ng gulong. Twice sila na flatan. Nung pangalawang beses, dun sila lumipat. Kaya squeezed in kami dun sa bus. Buti nalang nasa front seat ako, I have enough space to breathe, kahit 3 na kaming nakaupo dun sa 2-seater na upuan.
Hindi lang yun, pagdating sa Mabini, Batanggas, kumikitid na ang daan. Ang bababa pa ng mga cable ng kuryente. Minsan huminto pa kami para lang maggive way sa kasalubong na sasakyan na hindi makadaan dahil kinakain ng bus ang 2/3 ng kalsada. Tapos, sumabit pa yung isang bus namin sa hose ng tubig na nakabitin across the road. Kala nga namin cable ng kuryente. Buti nalang hose lang ng tubig. Yun, mga siguro 20 mins kami naghintay dahil gumawa pa sila ng mahabang kawayan para maiangat ang hose at makadaan ang mga higanteng bus sa ubod ng kitid na kalsada.

Pagdating sa Eagle Point, tumambad samin ang isang seemingly isolated parking lot. Dun pinark yung mga bus. From there, hindi na kasi makakapasok ang sasakyan dun mismo sa Eagle Point Resort. Kaya sinundo kami ng mga shuttle (jeeps and van) ng Eagle Point para dalhin kami dun sa resort proper. Ay... grabe... panalo ang 3-minute drive na iyun. Isang jeep lang talaga ang kasya. Hindi na nga kakayanin ng bus. Tapos sobrang tarik, sobrang sharp ng mga curves. Kailangan pang umatras ni manong driver para lang makaliko na hindi bumabalandra sa pader (na nagsisilbing hati sa kalsada at bangin). Thank God... thank God... at nakarating kami ng matiwasay sa resort. (expert talaga ang mga drivers ng shuttle. No sweat!)

The Shindig Party
Supposedly, 8pm ang aming ETA sa resort. Kayalang 10pm na rin kami nakarating. Kaya pagdating dun, kain nalang ng dinner tapos tulog na. Hindi na namin alam ang nangyari sa shindig party... May nag emcee sandali at nagfacilitate ng video okray, pero karamihan ng mga tao ay natulog na sa mga kwarto...

The Hotel
Ganda ng room! Very cozy, at malaki. 8 people ang capacity, pero napagkasya pa namin ng 11! May mezanin floor tapos sa mezanin floor may bed pa ulit. And its spacious enough para makapaglatag ng mattress sa floor. Tapos may veranda, overlooking the sea!!! Haaay... may dream house... ganun na ganun ang gusto kong room. Yung early in the morning ocean ang tatambad sa iyo... (naalala ko si Orange. ;p)

A Cloudy Sunrise
I went to bed at around 12mn. I think I fell asleep at around 2am dahil ang iingay pa ng mga kasamahan namin sa room. We woke up at around 5am para abangan ang sunrise. Pero, hindi nagpakita ang haring araw dahil maulap ang kalangitan... sayang.

So, nagstroll nalang kami along the shore. Actually, hindi talaga shore. Kasi nasa cliff yung hotel, so batuhan na agad. Pumunta nalang kami sa gilid gilid ng breakwater (yun nga ba tawag dun?) at inenjoy ang picture perfrect view. Syempre hindi mawawala ang kodakan. ;p (kayalang wala akong dalang sariling digi cam nun eh. Kaya yung mga pictures namin nasa ka-officemate ko pa. saka ko nalang ipost).

The boat ride to Sepoc Island
7:30 am, pumunta na kami sa Sepoc Island. Nagcheck out na kami dahil after lunch na ang balik namin sa hotel. So dala na namin ang aming mga damit. It was a 20-minute boat ride to the island. 50 pax ang capacity ng boat. Umupo kami sa outer side ng boat para mas masaya! (as in nakalawit na ang inuupan namin sa dagat... pero safe naman.) Hindi naman masyadong maalon. Oks na oks lang.

Sepoc Island
White sand sha. Pero di sing-ganda ng Bora. Di hamak na mas pino ang sand sa bora. Dito kasi, white sand nga, sakit naman sa paa. Daming pebbles. Kaya, naka tsinelas ka dapat pag swimming kung ayaw mong maging chopping board ang talampakan mo. Malinaw ang tubig. Maalat siyempre. We had kayaking din (tama ba spelling). Sand castle making contest and cheering rin (pero yung iba lang sumali dito nakinuod nalang kami habang kumakain ng sitsirya). Tapos swimming ulit. Tapos, lunch time, kainan na! Inihaw ang mga pagkain kaya masarap. Sulit na sulit ang food. Tapos yun, banlaw na, tulog sandali, then uwi na. 1:30 pm kami umalis ng island.

The Crashing Waves
Nagpatihuli na ang HR sa pagsakay ng boat. Pinauna na namin ang iba. So pagdating namin sa maliit na daungan, wala ng space sa boat. (hindi ko alam kung pano nangyari yun. Samantalang, nagkasya naman ang lahat. Siguro yung mga naunang boat hindi punuan.) Sumakay nalang kami (8 kaming taga HR) dun sa harap na harap ng boat. Open na yun at walang upuan. So nakaupo nalang kami sa edge ng boat. Humawak nalang kami sa hawakan. Safe naman sya kasi may harang rin naman yung edge ng boat. (yung parang plank na nilalakaran ng mga manong bangkero sa gilid ng boat). Tapos lahat ng bag namin dun sa floor ng boat. Sinabihan kami ng mga manong bangkero, "Mababasa ho kayo jan." *with Batanggeño accent*. Pero ayos lang samin. Kaya hindi na namin masyado pinansin ang kanyang warning.

Heto na... pumalaot na ang banggka. Medyo maalon na kasi hapon. Medyo tumatalsik talsik nga ang tubig. Since naka-upo kami sa gilid ng bangka, basa na ang mga shorts namin dahil inaabot ng tubig. Dumating sa point na super lakas ng alon. Tapos bigla nalang kami nagulat nang may parang balde-baldeng tubig na bumuhos samin! As in basa kaming lahat. Basa ang bagahe namin sa sahig, basa ang mga sarong namin naka balabal samin, basa ang handbag namin, basa ang mukha namin, basa kaming lahat! Tilian kami ng tilian dun sa bangka. Samantalang ang mga manong bangkero... NR. And amazingly, tuyong-tuyo sila. Ni talsik ng tubig wala ata. Kasi nakapuwesto sila dun mismo sa pinaka tip ng bangka. Sa loob loob siguro nila (Yan, sinabihan na kayo eh. Ngayon titili-tili kayo jan. *with Batanggño accent*).

So pagdating sa daungan sa resort, nagbanlaw na naman kami at nagpalit ng damit. Buti nalang may extra pa kaming damit. Kaya ako, hindi talaga ako mapagta-travel light. Never. I will always bring extra clothes. Ang mga ganitong pagkakataong ang aking pinaghahandaan. Buti nalang...

Homeward Bound
After nun, uwian na.

***THE END***

Salamat sa pagbabasa! Sorry sa mga sumakit ang mata. Heto, nilakihan ko ng nga ang font. Mas humaba nga lang. Salamat sa mga nagtsagang bumasa... yan ang gusto ko sa inyo eh. ;p.

Sige, sa susunod ulit na nobela. Paalam! Sana makasama rin ako sa outing ng class... May 19 and 20... We'll see...

Miss ya! God bless!!!




2:49 PM
Scribbler

Profile

Name: Arianne
Age: 20
Birthday: June 16, 1986

>>>>>>>>>>0<<<<<<<<<

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My Playlist

Daily Nuggets

Verse Of The Day

Provided by Christ Notes Bible Search

Weekly Wisdom

Provided by Christ Notes Bible Search

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
February 2009
March 2009

Thoughts


As you sail through the darkest sea
And the mist creeps 'till you cannot see
Do not be afraid, for I'm with thee
Forever, you'll be sailing with me.

-0*arianne*0-

Cast your cares on the Lord And He will sustain you He will never let the righteous fall

-0*Psalms 55:22*0-

~~~

When I am afraid I will trust in the Lord In God, whose word I praise In God I trust I will not be afraid

-0*Psalms 56:3*0-

Links

orange
ghala
carla
lynard
gay
adriel
nutcase
pai
caesar
ness
rhezi
leah
loulala
jaycee
jelo
she
lele
kyang
nina
joel
gjeff
sd
veron
ate dianne
joshua
diane
Anime Skies

@^-^@

Tagboard

Layout by Yiling
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com