Monday, May 08, 2006

Hay naku...

Parang ang haba ng Monday na ito. Feeling ko Wednesday na bukas. May ikukwento ako sa inyo!!!

Last week, I received a call from Union Bank. For exam daw ako on Monday (today) 8:45am. Kaninang umaga, sooooobrang tinatamad talaga akong bumangon kasi puyat puyat at pagod pagod kami nung nakaraang weekend. Feeling ko hindi ko pa masyado nababawi. Anyways, ayun nga. Sobrang tinatamad ako so I really dragged myself out of the bed para maligo. Medyo mali ang time estimation ko. Sobrang traffic na pala ng ganung time. Tapos ang hirap pang makasakay ng jeep mula samin papuntang Meralco Ave. Hindi punuan pero madalang dumaan. (Antipolo sinasakyan ko.) Hayun. Almost 8:30 na ako nakasakay. I have 15 mins left.

Tapos ang traffic. Naku... pero paglagpas sa Rizal Provincial Capitol (o kapitolyo ika nga ng mga jeepney drivers) Mejo lumuwag. Pagdating sa Meralco Ave, mejo trumaffic ulit. Eto pa nakakatawa. Nung nakita ko yung Union Bank, ewan ko ba, naduling ako or something. Nakababa ako ng jeep na malayo pa pala ang Union Bank. Kala ko, before sha ng fly over. Yun pala, after pa! So I had to walk... walk... walk... (buti nalang nang makita ko ang payong ko kanina ay dinampot ko). Hay, sakit sa paa. Hanggang marating ko ang Union Bank. It was 5 mins. before 9. (yeah right, what's new?)

Pagdating ko dun, nakita ko yung same guard na sumalubong sa amin nila Orange and Gladys nung nagsubmit kami ng resumes. Anyways, asa pa akong maalala niya ako noh? Edi yun, pasok na ako sa HR. Buti nalang at tama ang kutob ko. 9am pa nga ang start. Nandun pa yung mga applicants sa waiting area. Just a few seconds after I sat down, one of the staff (which I think was just a trainee) called those for exams na. WHEW!!! I made it!!! Thank God... Haaaaaa...

Ganun pala test nun. May 2 tests. Bago ka makapag proceed sa next test, kelangan makapasa ka muna sa unang test. So we took the 1st test. Simple math problems, sequencing, and vocabulary. 126 items, 20 mins lang. kelangan 60% and above ang makuha mo para magproceed sa next test. After nun, sabi nung staff fill-upan muna namin yung application form while she checks the papers. After niyang icheck, iaanounce niya yung nakapasa.

Hehe, kinakabahan ako kasi baka ako lang ang hindi makapasa... kakahiya naman. Hayun. After niyang macheck sabi niya, "Congratulations, you all made it for the 2nd qualifying test." WHEW!!! Thank you Lord ulet!!! Biruin mo, di ko natapos yung test ha. Pero lahat naman di nakatapos eh. Hehe.

The next test was abstract reasoning divided into 4 subtests. 1st and 2nd subtests ay may tig 3 mins kami para sagutan. 3rd subtest ay 4 mins. And ang 4th subtest ay 3 mins ulit. After nun, pinag-essay naman kami habang chinecheck daw yung papers. Thank God, lahat ulit kami nakapasa naman... haaay...

After that nasched na kami for interview. Tomorrow 3pm. So that's it. It's over. Balik ako bukas ng 3pm.

Edi yun, umuwi nako sa bahay. Pagdating ko sa amin, nagcheck ako ng cellphone ko. Aba may unknown number. At nang aking basahin, ito ang sabi: (Orange, Ghala, Myk, Pai... brace yourselves...)

"Hi Arianne! This is Pam from The Medical City. You are scheduled for an interview today at 3pm. Please confirm asap. Thanks!"

WHAAAT!!! Ano ba naman yan! Kakagaling ko lang sa Meralco Ave!!! Grr talaga... (that was 11:30 am)

Edi, isip isip pa ako kung tatanggapin ko. Nagtext ako kay Ate Dianne, ang aking ate sa church, na nagwowork dun sa MedCity as an Occupational Therapist. Sinabi ko sa kanya. Sabi niya, sige lang! Oppurtunity din ito. Medyo naencourage naman ako. Oo nga naman... ayokong palampasin ang mga ooprutunities na dumadaan. Hindi ko alam, baka eto na pala ang gusto ni Lord na company for me. So kung hindi para sakin, hindi ako matatanggap. Yun lang yun. Everything is etnrusted to the Lord.

Eh... mejo natatamad na ako. Saka... parang... ayun... Med City nanaman? Haay... So I texted this "Pam" and asked her if it would be possible kung maresched nalang ako ng Wednesday 3pm. Hindi daw puwede. Ngayon daw talaga yung interview. Hay... O cge, pupunta na nga ako...

Kaya naglunch lang ako sandali ng 2 bowls of noodles (yes, it's enough for a lunch na para sa akin) tapos tulog. Eto nanaman... ayoko na namang bumangon... 2pm na ako bumangon. Nagrefresh lang sandali bihis ulit. Tapos lakad na naman sa init ng araw. Ayun, ganun ulit nangyari. 2:30pm na ako nakasakay. Traffic. By 3:06pm, tumatawid pa lang ako ng overpass across meralco ave papuntang MedCity. (Yeah right, what's new?) Mga more than 5 mins na walk din yun. At pagdating ko dun sa employee's entrance sa Lower Ground, the time was 3:07pm. Aba biruin mo, 1 minute lang ba yun? Hinde. Late lang oras sa Med City. Buti nalang.

Ayun, pagpasok ko sa HR (same scent along the corridor. Amoy ulam), marami pang nagwewait for interview rin. Hehe. Mejo matagal din bago natawag ang name ko. Habang naghihintay ako, ayun, daandaanan lang ako nila mam Jewel, mam Lorraine, mam Noyc, mam Del, at kung sino sino pang mga lumang empleyado. Marami ring bagong employees. (Siguro hindi kayo masyado makakarelate for the next lines. Sina Orange Ghala Pa and Myk lang. Pasensya na. :D) At eto ang nakakagulat. Si Mam Lorraine buntis! Muka shang batang nabuntis. Liit kasi baby face pa. As in ang laki ng tiyan nya! At nandun pa si Mam Nerisse! Tinititigan ko nga sha, pero hindi ko makuha eye contact niya. Anyways...

Ayun, ininterview na ako nung bagong employee dun. Yun nga si Ms. Pam. She's from UST psych din. Pero dina ako nagtanong ng iba pa. Sabi ko dati ako ng OJT dito, blablabla, kilala ko yung iba blabla, what's the meaning of quality service, blablabla, how do you handle stress blablabla... (FYI: those where the same questions I asked nung naginterview ako ng applicant a year ago when I was still a trainee. Hehe. Sa bahay pa lang, napractice ko na ang sagot. HARHAR!)

Tapos yun. Inexplain na sakin ang job. They're looking for a reliever kasi maglileave na si Mam Lorraine dahil any moment ay manganganak na sha. So asap talaga. Tapos, may isa pa silang nagsick leave. So if ever na matanggap ako at tanggapin ko ang job, 2 positions ang irerelieve ko. Talagang pinakita ko na nagulat ako. Dahil haller? Toxic ng HR dun! Tapos 2 positions? But anyways... sige, I listened for the rest of the details. P8k daw ang start as a casual employee. Baka 3-5 months with minimum chance of regularization. It depends upon the performance. Ganito nangyari:

Pam: Are you willing to take the job as a reliever?
Ako: Um... (Nyah!!! ANO GAGAWIN KO???) Um... it's fine with me. I am still a fresh grad so I am really looking for some experience. Contractual is fine with me. (TALAGA! dahil ayoko magstay dito ng matagal!)

After that pinaghintay ulit ako. Yun yung moment na nakilala na ako ni Mam Nerisse dahil familiar nga daw ako. Tinanong niya kay Ms Pam at yun, naalala niya sina Pai. Hehe. Kamustahan kami. Ayun, toxic pa rin daw dun pero ok lang. Bagay sa kanya yung uniform. hehe! After that, si Mam Shaye naman naginterview sa akin. Nakilala niya rin ako. Kaya sabi niya, this won't be a usual interview dahil kilala naman na kita. So yun, tinanong lang niya ako ng stuff...

Sabi niya sa akin, parang, since I have all the ideas how toxic HR there is bakit pa daw ako nagapply. Di ko lang masabi (Isa lang naman kasi kayo sa pinamudmuran ko ng resumes. Since tumawag--este nagtext kayo, edi kayo ang kausap ko ngayon. At naconsider ko kayo sa my last resort. I have no interest in working here again, actually... last resort talaga.) Pero syempre, alanga namang sabihin ko yun.

So yun. May blessings naman na ako ng aking mama. Go for it na nga daw sabi niya. Pero, titingnan ko pa rin kung nao mangyayari sa Union Bank. Hindi ko alam kung paano. Sana after ng exam bukas may isa pang final interview. 3pm pa kasi ang interview sa Union Bank eh. di ko alam kung ano mangyayari dun. Siyempre pas gusto ko dun noh...

Hay naku... grabeeee... Lord, saan niyo ko gusto mapunta? Sa bagay, reliever lang naman yun. Sana if ever...kapag natapos na yung contract ko dun, may dumating na new and bigger oppurtunities. Basta. Si Lord ang may hawak na niyan. Mas Siya ang nakakaalam kung ano ang mas makakabuti sa akin. Hindi ko nga lang alam kung ano, pero papa-suga ako sa Kanya. :D

Yun lang. Ikli noh? Bitin ba kayo? Kung nakaabot kayo dito salamat... Salamat sa tiyaga. God bless! Tutulog na ako.

11:45 PM
Scribbler

Profile

Name: Arianne
Age: 20
Birthday: June 16, 1986

>>>>>>>>>>0<<<<<<<<<

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My Playlist

Daily Nuggets

Verse Of The Day

Provided by Christ Notes Bible Search

Weekly Wisdom

Provided by Christ Notes Bible Search

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
February 2009
March 2009

Thoughts


As you sail through the darkest sea
And the mist creeps 'till you cannot see
Do not be afraid, for I'm with thee
Forever, you'll be sailing with me.

-0*arianne*0-

Cast your cares on the Lord And He will sustain you He will never let the righteous fall

-0*Psalms 55:22*0-

~~~

When I am afraid I will trust in the Lord In God, whose word I praise In God I trust I will not be afraid

-0*Psalms 56:3*0-

Links

orange
ghala
carla
lynard
gay
adriel
nutcase
pai
caesar
ness
rhezi
leah
loulala
jaycee
jelo
she
lele
kyang
nina
joel
gjeff
sd
veron
ate dianne
joshua
diane
Anime Skies

@^-^@

Tagboard

Layout by Yiling
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com