Tuesday, April 25, 2006

I've been blog hop-hop-hop-hopping tonight...

And...

Everybody's bored.

Ay naku. Ganyan talaga. Ano ba masasabi ko... um... ewan ko. Hindi naman ako masyado bored. I mean... sinusulit ko na ang mga nalalabing vacation days dahil alam kong sooner or later, ay magtatrabaho na rin ako. Naiintindihan ko yung sinabi ni She na ayaw pa niyang matali sa responsibilites pero ayaw niya rin namang maging bum for life.

Hay... narealize ko tuloy... There are somethings na kapag una kong ginagawa, nageenjoy ako. Pero kapag yun at yun na ang ginagawa ko, napapagod na ako. Nagsasawa na. Kinakatakot ko, baka ganun din mangyari sa akin kapag nagwork na ako. Naku... kelangan talaga may passion and committment tayo sa mga magiging trabaho natin. Kung hindi, wala tayong kapupuntahan. Kaya as of now, oks na oks sa akin ang contractual. Kasi, fresh grad palang naman tayo. Wala pang experience. So it's better kung makakuha muna tayo ng experience. Then after ng mga contracts natin, mas may chance na tayong makuha sa mga nicer companies kasi may experience na tayo... ewan ko... ganun ang naiisip ko...

Teka, about my holy week naman.

We had our 4-day church camp sa Paenaan Camping Farm, Antipolo. Bali, kasama namin ang mga daughter churches at mga affiliated churches. Lahat ng iba't ibang churches na ito ay under one big umbrella called Fellowship of Ministers and Christian Churches or FMCC. All in all, there were 500+ campers.

Grabe, campsite talaga yun... sobra. Walang kapuno-puno. Lahat ng puno nasa gilid. Tapos yung gitna ng camping field patag na patag sa ilalim ng MATINDING sikat ng araw. Yun ang pinakamainit na camping sa buong buhay ko. Nung first day, dumating kami dun around 10 pm. Edi, tent pitching na. isa ako sa mga na-assign na maglead ng group ng youth. (Bale, may 3 groups lahat yung youth ng church namin). With the help of my group mates, tinayo na namin ang tent namin na good for 10 people. Grabe... sobrang init talaga... sobrang dripping talaga yung pawis ko sa baba ko... Thanks sa sunblock, hindi naman ako masyado nangitim.

Tuwing tanghali talaga hindi namin matambayan ang tent namin dahil sa sobrang init... bilad na bilad kasi sa araw. Buti nalang may mga sessions kami sa umaga at sa hapon. Bumabalik lang kami ng aming camping area kapag lunchtime. Tapos, balik ulit sa session hall para sa iba'tibang activities.

Pagsapit ng hapon, ok na. Nakakatambay na kami sa tent. At, oras na ng paliguan. Buti na lang, isa sina papa at mama na nakapagrent ng dorm within the campsite. So bedroom sha na may matinong CR. Ang hirap maligo dun sa CR within our camp area. Hehe... sementado naman. Yung CR eh isang mahabang row ng cubicles. Pero yung kurtina na nagsasara dun sa mga cubicle ay bitin! Puwedeng puwede kang ma-peekaboo ng kung sino mang papasok. Kaya kapag maliligo yung iba naming kasamahan, maramihan sila. Para maraming bantay. Pero kami ng sis ko, dun kami naliligo sa room ng parents namin. Hay...

The best kapag gabi. Malamig na. Tapos ang daming stars!!! Kapag around 7pm palang to 10pm, nakikita ko yung Orion's Belt. Pero pagdating ng around 11pm to midnight, yung Big dipper naman ang nakikita ko. Wala na yung Orion's belt. Ang saya! I therefore conclude na umiikot talaga ang mundo! Hehe! Ang daming stars talaga. Feeling ko ang daming constellations pero hindi ko alam kung ano tawag at alin dun sa mga yun... nakaka-amaze talaga. At ang mas masaya pa nun, Full moon!!! Ang ganda ng buwan... Hay... Kung hindi lang malamok, mas gugustuhin ko pang matulog sa labas ng tent namin... Para makapag star gazing ako...

Hayun. Siyempre hind mawawala ang mga sessions. The praise and worship were very glorious. Ang sarap talaga magworhsip kay Lord at magbigay glory sa Kanya. You worry about nothing... your focus is just on Him. And my heart just bursted with passion to worship and praise Him with all of His glory and splendor.

Sa bawat session, may nagsi-speak na pastor. Yung theme namin is "Building with Gold, Silver, and Precious Stones" based from 1 Corinthians 3:12. The main challenge of every pastor that spoke sa mga session is that, there will come a day that the works of every believers will be evaluated. They will be passed through a fire. Only those works that are made up with gold, silver, and precious stones will surivive the fire. But those works made up of wood, hay, and stubble will be burned into ashes. Sa heaven, hindi lahat pantay-pantay. It's not enough to get saved and to get assured that you are going to heaven. Dahil sa heaven, may parang "awards day" doon. Only those whose works that will survive the test of fire will receive rewards. But those whose works are burned into ashes will receive no reward. Yes, they are saved. They will be in heaven. Pero... sad to say, nasa bandang edge nalang ng heaven. Pero yung mga makakarecieve ng reward, sila yung malapit kay God. Man... it would be so awesome to worship right before God! Right before His footstool! So, why settle for a work made of wood , hay and stubble diba? That's the reason why we need to store up treasures in heaven by doing works that are worth with gold, silver, and precious stones. Siyempre, one must be first assured of his or her salvation. Or else, every work that he or she has done will worth nothing. He or she will still end up suffering the consequences of sin...

So for those four short days... kahit mainit, kahit malamok... parang bitin yung camping. Kasi, it's where you refresh yourself . It's where you draw back your strength. Like the way they put it allegorically, us christians are like warriors in a big battle between good and evil. Each of us have our own battles in life. Battling with temptations, battling with emotions that shifts our focus away from God, battling with fears, battling with bad habits... it's a raging battle out here. That's why from time to time us warriors need to retreat back to our camps. To take a rest. To gather strength. Kaya nakakabitin ang camps. Gusto mong magrest pa. And it feels safer in your own camp diba than outside the battlefield. Pero... kahit anong gustuhin man namin na humaba pa ang camp, it's time to set forth in the battle again. Thank God, He is always faithful and gracious enough to equip us in our battles. That's why, here I am again... fighting... determined to win the battle for the Lord by His grace.

So after the camp, we went home na. Hayun. That's what happened during the holy week. I hope everybody had a great and meaningful holy week as we remembered how the spotless Son of God paid the wages of our sins...how He suffered and endured every lash, every torned tissue, every drop of blood, every cut, every thorn, every, pierce, every spit, every curse, every mock... just to give Glory to the Father by fulfilling His will to save His rebellious creation from the consequences of sin... hell. But we rejoice as well upon knowing that He has been raised from the dead and He is forever be the only living God! I hope... everybody would accept this gift of salvation. It's a free gift to us. Humankind have two choice: receive it, or reject it. Rejecting it would mean suffering the consequences of sin. But receiving it is renewing the connection between God and man through Jesus. And the assurance of heaven.

Hay. Napost ko na rin ang holy week escapade ko. Hehe. Hayun.

***
Siya nga pala, hanggang ngayon hindi pa rin tumatawag ang Monde sa akin for interview. hindi ko alam kung busy lang talaga sila, or may nakita na silang iba. Sabi ni Gladys, tumawag daw sha doon. (kasi, nagtest din sha doon at tatawagan din daw sha for interview pero hindi pa rin sha natatawagan) Sabi sa kanya, on hold pa daw yata yung mga applications. So may paga-asa pa. update ko nalang kayo later... got to go...

10:07 PM
Scribbler

Profile

Name: Arianne
Age: 20
Birthday: June 16, 1986

>>>>>>>>>>0<<<<<<<<<

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My Playlist

Daily Nuggets

Verse Of The Day

Provided by Christ Notes Bible Search

Weekly Wisdom

Provided by Christ Notes Bible Search

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
February 2009
March 2009

Thoughts


As you sail through the darkest sea
And the mist creeps 'till you cannot see
Do not be afraid, for I'm with thee
Forever, you'll be sailing with me.

-0*arianne*0-

Cast your cares on the Lord And He will sustain you He will never let the righteous fall

-0*Psalms 55:22*0-

~~~

When I am afraid I will trust in the Lord In God, whose word I praise In God I trust I will not be afraid

-0*Psalms 56:3*0-

Links

orange
ghala
carla
lynard
gay
adriel
nutcase
pai
caesar
ness
rhezi
leah
loulala
jaycee
jelo
she
lele
kyang
nina
joel
gjeff
sd
veron
ate dianne
joshua
diane
Anime Skies

@^-^@

Tagboard

Layout by Yiling
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com