Sunday, October 17, 2004

Lulubog... lilitaw...

Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakapagpost. May problem kasi itong computer namin. Sobrang lala na ng sakit nito. Kusa siyang nagcoconnect dahil dun sa virus. Ewan ko ba... ayaw talagang ma-clean ng anti-virus namin 'tong computer namin. Kaya medyo binawas-bawasan ko muna pag-iinternet ko kasi nga baka lalo pang lumalala. May times din bigla nalang siyang magrereboot. Parang may sariling buhay 'tong computer namin. Nagiging monster na yata yung virus... hay naku.

Miss ko na magpost! Buti nalang medyo mabilis ang pagconnect. Di rin ako makasingit dito minsan kasi may mga ginagawa si mama na work dito sa bahay. Minsan si papa ko rin. Eh ngayon wala pa sila dito sa house, so I take the chance.

Ang bagal ng araw ngayon. Pero I like it this way. Ayokong mafeel na mabilis ang bakasyon kasi ayoko pang pumasok. Huling bakasyon na ito. Pero last week, may kakaibang nangyari dito sa amin...

Last week kasi, pumunta ng Taguig yung parents ko (Sunday yun). Meron kasi silang nili-lead na church dun, kaya for the mean time, dun muna sila umaattend ng church. Pero kami ng kapatid ko, dito kami umaattend sa talagang mother church namin. Wala naman po kaming four-wheel vehicle so naka-motor lang sila nung pumunta dun sa taguig. (lagi naman silang naka-motor pagpumupunta dun.) Tapos nung pauwi na sila, around 3pm, medyo traffic kasi ang daming libing. So sunud-sunod daw yung mga nagpuprusisyon ng mga dead people. (kasi sunday nga yun, a common day for burying a dead, diba?)

So yun. Nung nandito na sila sa may Mandaluyong, (hindi ko alam ang street eh. alam nyo naman ako, mahina pagdating sa geography...) tatawid sila ng intersection. Wala daw traffic light dun sa intersection na yun, so tanchahan lang ang pagtawid. Nung sa tingin nila eh, naka tyempo na sila, tumawid na sila ng intersection. Then all of a sudden may taxi na paparating sa right side nila. Medyo mabilis yung pagtakbo ng taxi. Nakita na sila ng taxi pero akala nung driver, malalagpasan nya sina papa at mama bago pa sila makatawid. Unfortunately, nahagip niya sila... Hindi naman daw tumilapon yung parents ko pero medyo bad yung pagkakabagsak nila sa ground.

Pero thank God, dahil hindi sila masyado nasaktan. Si papa ko may scratch na kaunti sa knee, pero si mama yung medyo nabugbog. Pag-uwi nila dito sa haus cry sha kasi akala nya hindi na daw niya kami makikita ng kapatid ko. (drama diba? pero natakot din ako. wala kasi kaming kaalam-alam) Humble naman yung driver. Inamin niya na siya yung may pagkakamali kasi medyo mabilis nga yung takbo nya tapos mali pa sya ng estimate. So siya na yung naghatid kina mama sa hospital for xray saka dito sa haus. Ayaw pa nga pabayaran ni Mama yung hospital fee kasi may health card naman siya. Kayalang hindi pala tinatanggap ng hospital yung card pag vehicular accident, not unless napatunayan na hindi yung patient ang may kasalanan. Kaya yung driver na rin ang nagbayad. Naawa nga si Mama dun sa driver kasi short pa siya ng P30, kaya yung P30 si papa nalang ang nagbayad. Tapos, hindi na rin sila nagsampa ng case kasi nga naawa sila dun sa driver. Police report nalang ang ginawa nila at umuwi na sila.

Hay naku... kaya yung mga nagdadrive dyan, ingat kayo palagi ha? Minsan nga, kahit nag-iingat kayo, may mga tao na hindi talaga nag-iingat, madadamay at madadamay kayo sa accidents. Wag naman po sana. I just thank God na ganun lang ang nangyari. Nagpe-pray nga kami for a vehicle para naman medyo mabawas-bawasan na yung risk namin sa road pag nakamotor lang. God already provided financially. Nakakatuwa nga at nakaka-amaze kasi ang daming people na ginagamit niya para magbless samin, not only financially but also in form of advice with regards to vehicle stuff... Hayun po.

Hay malapit na ang clearance day... sige po, magbabasa naman ako ng ibang posts nyo. Tagal kong hindi nakapagblog kaya siguro naman may mga naipost na kayo nitong week na ito.

See ya sa friday.



1:37 PM
Scribbler

Profile

Name: Arianne
Age: 20
Birthday: June 16, 1986

>>>>>>>>>>0<<<<<<<<<

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

My Playlist

Daily Nuggets

Verse Of The Day

Provided by Christ Notes Bible Search

Weekly Wisdom

Provided by Christ Notes Bible Search

Archives

July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
June 2008
August 2008
September 2008
October 2008
February 2009
March 2009

Thoughts


As you sail through the darkest sea
And the mist creeps 'till you cannot see
Do not be afraid, for I'm with thee
Forever, you'll be sailing with me.

-0*arianne*0-

Cast your cares on the Lord And He will sustain you He will never let the righteous fall

-0*Psalms 55:22*0-

~~~

When I am afraid I will trust in the Lord In God, whose word I praise In God I trust I will not be afraid

-0*Psalms 56:3*0-

Links

orange
ghala
carla
lynard
gay
adriel
nutcase
pai
caesar
ness
rhezi
leah
loulala
jaycee
jelo
she
lele
kyang
nina
joel
gjeff
sd
veron
ate dianne
joshua
diane
Anime Skies

@^-^@

Tagboard

Layout by Yiling
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com